Home OPINION ‘MAKE AN OFFER’ NG TNVS

‘MAKE AN OFFER’ NG TNVS

ANG sumbong ay diumano’y pangongontrata, overcharging, refusal to convey passenger ng isang Transport Network Company?

Syempre, kailangan dito ang aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Kailangang mag-imbestiga ng LTFRB dahil isa iyon sa kanilang trabaho.

Ang pamasahe sa mga TNVS ay regulated ng LTFRB. May flagdown, fare per kilometer, fare per minute at ang kontrobersyal na surge (kilometer plus time multiplied by two). Kapag nag-book ang pasahero ay malalaman na niya ang pasahe na dapat bayaran.

Pero may isang Transport Network Company diumano na lumalabag sa fare regulation na pinatutupad ng LTFRB . “You can make an offer and if it cannot be refused tuloy ang booking.”

“Kung hindi magkaka-counter offer at ‘pag walang pinagkasunduan ang pasahero at driver decline ang booking.”

Hindi ba’t sa taxi ay ayaw na ayaw ng pasahero ang ganitong sistema ng pangongontrata. Dapat gamitin at sundin ang metro. Kapag hindi contacting passenger ‘yan at kapag nagkasundo sa pangongontrata ay malimit overcharging. Kapag tinanggihan ng taxi driver ang pasahero ‘yan ay refusal to convey passenger.

Kung istriktong ipinatutupad ito sa mga taxi dapat lamang na istrkto ring ipatupad ito sa mga TNVS at TNC. Walang pangongontrata, pasaheng labag sa fare matrix at pagtanggi sa pagsasakay sa pasahero dahil sa nais na mas mataas na pasahe.

Ayon sa mga reklamong natanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection,  nagbook sila sa app ng INDRIVE . Mag-oofer ang pasahero. Counter offer ang driver at ‘pag hindi nagkasundo decline ang pasahero. Tila, nabalewala ang fare regulation!

Sa kasalukuyan, may siyam ng Transport Network Company ang active dahil sa pagkakaroon ng LTFRB accreditation. May nga applicants rin na pending pa ang approval. Maganda na maraming pagpipilian ang pasahero. Pero kapag ang TNC ay lumabag na sa fare regulation dapat lang suspindihin o tuluyang bawiin ang accreditation nito.

Sa sistemang MAKE AN OFFER ay balewala na ang fare regulation ng LTFRB.

Mismong LCSP na ang maghahain ng letter complaint sa LTFRB para ma imbestigahan ang  MAKE AN OFFER Scheme. At kung mapapatunayang may paglabag  ang TNVC, dapat lang na mabigyang parusa ang INDRIVE dahil sa paglabag nito sa alituntunin ng pamamasada.

=================================================

Atty Ariel Inton
President – Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)
09178174748

Previous articleANG BLOG NI PBBM
Next articleBUKINGAN SA CHACHA NG MAGPINSAN