Home HOME BANNER STORY Mala-Final Destination: Drayber, pahinante natuhog ng bakal sa biglang-preno

Mala-Final Destination: Drayber, pahinante natuhog ng bakal sa biglang-preno

DAVAO – Patay ang drayber at pahinante nito sa mala-Final Destination na aksidente sa Davao City nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Nestor Doronio at KR Resonable matapos na matusok ng mga kargang bakal sa kanilang minamanehong trak dahil sa biglaang pagtawid ng isang indibidwal.

Base sa kumakalat na video online, tumagos sa harapan ng trak na kinaroroonan ng mga biktima ang sakay nilang bakal dahilan para matuhog ang mga biktima at mamatay.

Base sa imbestigasyon, iligal na nagbaba ang jeep ng pasahero sa isang pedestrian lane habang naka-go pa ang traffic light. Dito na biglang tumawid sa daan ang indibidwal dahilan para biglaang magpreno ang drayber kaya nangyari ang malagim na aksidente.

Sinabi ni Davao City Police Office spokesperson Pcapt. Hazel Tuazon na nakalas umano ang tali ng mga bakal dahilan para dumirecho ito sa kinaroroonan ng mga biktima.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang nasabing indibidwal na tumawid at wala pa ring pahayag sa insidente.

Base naman sa pamilya ng mga biktima na desidido silang magsampa ng kasong reckless imprudence resulting to homicidesa pedestrian, maging ang drayber ng jeep ay kakasuhan rin. RNT