MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 4,000 residente ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa banta ng isang umano’y lider ng teroristang grupong Dawlah Islamiyah sa Marogong, Lanao del Sur, sinabi ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) nitong Lunes.
Sa kabila nito, sinabi ni Mazon na nasa 20% ng mga evacuees ang nakauwi na sa kanilang mga bahay.
Sa press briefing sa Quezon City, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda Jr., na pinalakas na nila ang deployment ng police forces at nakipag-coordinate sa Armed Forces of the Philippines para ma-secure ang lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ni PRO BAR chief Police Brigadier General Allan Nobleza na isang umano’y pinuno ng Dawlah Islamiyah ang gumawa ng banta sa social media. RNT