MANILA, Philippines- Personal na tinanggap ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang dalawang karangalan sa ginanap na 2022 Anti-Drug Abuse Council Performance Awards sa Luxent Hotel, Quezon City.
Nakakuha ng 95 functionality points sa pagsasagawa ng 2021 ADAC Performance Audit kung saan kinilala ang pamahalaang lungsod dahil sa pagsisikap na maitaguyod ang anti-illegal drug campaign sa Malabon.
Bukod dito, nakatanggap din ng Certificate of Recognition para sa pagpasa sa 2021 ADAC Performance Audit Assessment na may score na 90 points. Jojo Rabulan