Home NATIONWIDE Malacañang binuksan sa publiko para sa Pasko

Malacañang binuksan sa publiko para sa Pasko

MANILA, Philippines- Binuksan ng Malacañang ang pinto para sa publiko ngayong Kapaskuhan, ayon sa ulat nitong Lunes.

Pumasyal dito ang mga bata mula sa mga karatig-barangay upang sumakay sa carnival rides na matatagpuan sa Kalayaan Grounds ng Malacañang.

Libre ang pagpunta sa lugar, kung saan kailangan lamang sumailalim ng mga bisita sa security check ng Presidential Security Group (PSG).

Bukod sa mga bata, bumibisita rin dito ang mga estudyante mula sa mga kalapit na unibersidad at kolehiyo.

“It’s going back to the time of FM (Ferdinand Marcos Sr.), of the time of his father when they opened up the Palace to the people because he also said this is the Palace of the people,” pahayag ni Dina Tantoco, deputy social secretary.

“So dapat i-open natin ang Malacañang during that time before Christmas,” dagdag niya.

Bukas ang carnival sa Malacañang hanggang December 23 mula alas-6 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi. Bukod dito, mayroon ding food stalls sa lugar.

Maaari ring pumunta sa Kalayaan Grounds para dumalo sa tradisyunal na Simbang Gabi. RNT/SA

Previous articleBilang ng pamilyang apektado ni TS Kabayan, shear line sumampa sa 25K
Next articleBilang ng mga naospital sa COVID ‘di tumaas – Herbosa