Home HOME BANNER STORY Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad bukas!

Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad bukas!

MANILA, Philippines – MAGPAPATUPAD ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na magiging epektibo ngayong Martes Santo.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P2.20 sa kada litro ng gasoline, P1.40 sa kada litro ng diesel at P1.30 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas-6 ngayong umaga.

May big time opil price hike din sa mga nabanggit na produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipapatupad alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ang kompanyang CleanFuel ay magpapatupad alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa dagdag presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina at bawas presyo naman na P0.10 sa kada litro ng diesel, habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene. JAY Reyes

Previous articlePCG nakapagtala na ng higit 40K pasahero sa mga pantalan
Next articlePBBM sa mga Katoliko ngayong Semana Santa: Maging mabuti, ‘wag makasarili