MANILA, Philippines – Halos buong bansa ang uulanin dahil sa low pressure area (LPA) at southwest monsoon o habagat, ayon sa PAGASA nitong Miyerkules, Hulyo 12.
Sa huling ulat, namataan ang LPA 180 kilometro hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.
Dahil dito, magiging maulap ang panahon at magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, at Mindanao.
Nagbabala naman ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulan. RNT/JGC