MANILA, Philippines – Makakaapekto ang shear line sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas habang iiral naman ang northeast monsoon o Amihan sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, at Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa shear line.
Ang Cagayan Valley at Aurora naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil din sa Amihan.
Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may isolated rainshowers at thunderstorm dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC