Home NATIONWIDE Malaking bahagi ng Guam, walang kuryente, walang tubig sa bagyong Mawar

Malaking bahagi ng Guam, walang kuryente, walang tubig sa bagyong Mawar

627
0

MANILA, Philippines – Malaking bahagi ng
Guam ang nawalan ng suplay ng kuryente at tubig matapos hagupitin ng super typhoon Mawar.

Sa kabila nito, wala pang naitatalang nasawi o nagtamo ng major injuries sa pananalasa ng bagyo.

Hanggang sa ngayon ay inaatasan pa rin ang mga residente ng Guam na magpakulo muna ng tubig na maiinom habang kinukumpuni pa rin ng mga crew ang mga generator na napinsala dahil sa bagyong Mawar, ayon sa Guam Waterworks Authority.

Sa ngayon ay puspusan na rin ang tauhan ng Guam Power Authority sa pagsisikap na maibalik ang suplay ng kuryente partikular na sa mga ospital at wastewater facilities, kasunod ang mga tirahan at mga establisyimento.

Bagama’t walang naitalang nasawi, mayroon namang 980 katao ang pansamantalang tumutuloy sa mga shelter sa buong isla.

“I am so glad we are safe. We have weathered this storm. The worst has gone by,” ayon kay Governor Lou Leon Guerrero sa isang video message.

Matatandaan na umabot sa Category 4 ang bagyong Mawar nang dumaplis ito sa Guam nitong Miyerkules, Mayo 24. RNT/JGC

Previous articlePagdedeklara ng Agosto 1 bilang special working holiday, aprub sa Kamara
Next articleJulie Ann, umatras kay Sarah!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here