Home NATIONWIDE Malaking pondo ng Comelec ‘di para sa cha-cha kundi sa eleksyon –...

Malaking pondo ng Comelec ‘di para sa cha-cha kundi sa eleksyon – solon

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Albay Rep. Edcel Lagman ang napakalaking bulto ng pondo na ipinasok sa 2024 budget para sa charter change.

“The charter change rampage has a surfeit of funds,” ani Lagman kung saan binanggit niya na may kabuuang P14 bilyon ang nakapondo sa 2024 budget na nakalaan para sa “Conduct and supervision of elections, referenda, recall votes and plebiscites.”

Giit ni Lagman, ang mga alokasyong ito ay isiningit umano sa bicameral conference committee sa ilalim ng pondo ng Commission of Elections na noong 2023 ay meron lamang P2 bilyon kung kaya ang itinaas ay nasa 700 porsyento.

Sinabi pa ni Lagman na ang alokasyon na P14 bilyon ay hindi hamak na mas malaki sa pondong inilaan sa Department of Migrant Workers (DMW) na P9,896,172,000; Department of Trade and Industry (DTI) – P8,638,218,000; Department of Agrarian Reform (DAR) – P8,081,067,000; Ombudsman – 5,5334,721,000; Department of Tourism (DoT) – P3,439,715,000; at Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) – P3,307,520,000.

“The proposed people’s initiative, which is virtually a congressional initiative, will make the voting in the constituent assembly of representatives and senators a joint voting which would fast track the approval of proposed amendments to the Constitution since the more numerous Representatives would overwhelm the Senators,” sinabi pa ni Lagman.

Agad namang pinalagan ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co, chairperson ng House Appropriations Committee ang pahayag ni Lagman sa pagsasabing ang P12 bilyong sa 2024 budget ay hiningi ng Commission on Elections (COMELEC) “for the conduct and supervision of elections,” at hindi para gastusan ang charter change.

“Comelec Chairman George Garcia personally appealed during the budget hearing in Congress to restore their budget. Laking pasalamat pa nga ng Comelec and Chair Garcia to the Bicam team for accomodating their request. Maski sila pa ang tanungin niyo,” ani Co.

Sa kabuuan aniyang kahilingan ng Comelec na P19.4 bilyong alokasyon para sa 2024 ay nasa P14 bilyon lamang ang naaprubahan.

Giit pa ni Co na malisyoso ang naging pahayag ni Lagman na pinalalabas nitong ang bicam ang nagdagdag ng aloksyong P12 bilyon upang gamitin sa chacha.

“This is another one of his (Lagman’s) wild and irresponsible accusations.” Meliza Maluntag

Previous articleP4M ‘tsaa-bu’ nasamsam sa Cotabato
Next articlePagsita sa overloaded truck, trailer patuloy na tututukan ng LTO