MANILA, Philippines – Halos kalahati ng malalaking lawa at reservoirs sa mundo ang natutuyo na, dahilan para maging malaking banta ito sa water security ng mga tao.
“Lakes are in trouble globally, and it has implications far and wide,” sinabi ni Balaji Rajagopalan, professor sa University of Colorado Boulder at co-author sa isang pag-aaral.
“It really caught our attention that 25 percent of the world’s population is living in a lake basin that is on a declining trend,” pagpapatuloy niya, sabay-sabing nasa dalawang bilyon katao sa mundo ang maaapektuhan nito.
Hindi katulad sa mga ilog na palaging nababantayan, ang mga lawa ay karaniwang hindi namomonitor sa kabila ng may malaking epekto ito sa seguridad sa tubig.
Binuo ng mga siyentipiko mula sa United States, France, at Saudi Arabia ang naturang pag-aaral at sinuri nila ang 1,972 pinakamalalaking mga lawa at reservoir sa mundo sa tulong ng observation satellites mula 1992 hanggang 2020.
Advertisement