Home OPINION MALAPAGONG KUMILOS ANG GOBYERNO

MALAPAGONG KUMILOS ANG GOBYERNO

IBINUNYAG ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pagkakaroon ng
marijuana oil ng vape products na malakas ngayon sa merkado.
Nadiskubre ang pamamayagpag ng marijuana-laced vapes sa ikinasang anti-
illegal drugs operation ng PDEA.

Noon pa man ay tutol na ang maraming mangagamot at doktor na nasa
pampublikong pagamutan at maging ang mga dating nagtrabaho sa
Department of Health ay humiling na ipatigil na ang paggamit ng vape dahil
nakasasama ito sa kalusugan.

Sabi ng mga ito kabilang si dating Health Secretary Esperanza Cabral,
kailangang matigil na ang pagbebenta nitong vape lalo na sa kabataan dahil
naliligalig sila sapagkat napakarami na ang nagkasakit dahil dito.

Habang dahil sa balitang may marijuana oil ang vape products, nagsasagawa
naman ang Department of Trade and Industry ng masusing imbestigasyon
kaugnay nito.

O di ba? Ang pamahalaan, kikilos lang kapag malala na ang sitwasyon. Noon
pa sila pinakikiusapan na ipatigil ang pagbebenta ng vape sa merkado subalit
hindi naman kumikilos ang mga ito.

Ngayong kumakalat ang balita na may halo na itong iligal na droga, saka pa
lang sila natataranta sa kung ano ang gagawin. Nababahala nga ba sila?

Maaring oo nag-aalala sila dahil tiyak na sa kanila na naman babagsak ang
sisi kapag hindi naitigil ang bentahan ng vape na hinaluan ng marijuana.

Pero sabi ng DTI, wala pa naman silang nakukumpiska na mga vape na
mayroong marijuana oil at sakaling mayroon man, kaagad nila itong ilalapit sa
PDEA. Bukod pa sa nagbabala na sila sa mga online seller na huwag ibenta
ang mga produktong vape na may marijuana oil.

Ay, parang tanga lang. Magpapahuli ba naman ang mga nagbebenta?

Siyempre, mag-iingat ang mga kumikita sa negosyong ito. At hindi nila basta-
batas isusuko sa gobyerno ang pinagmumulan ng kanilang malaking kita.

Tapos, sasabihin pang sumunod raw sa kanilang kahilingan ang mga online
seller. Oh my goodness. Talaga naman! Bobo lang ang peg?

Hindi ko lubusang maisip kung bakit laging ang gobyerno ang huling nakaaalam ng mga hindi magagandang ginagawa ng tiwaling negosyante. Malapagong lang bang kumilos ang mga ito o nagtatanga-tangahan dahil sa kumikita sila sa mga negosyanteng nasa likod ng mga iligal na gawain?

Previous articlePERCY LAPID MURDER CASE, UNCLOSED
Next articleNAGNANAIS MAGING PNP CHIEF MAY MALAKING ATRASO SA BABAE