Home NATIONWIDE Malaya: Pinas ‘di nakadepende sa US sa pagbabantay sa WPS

Malaya: Pinas ‘di nakadepende sa US sa pagbabantay sa WPS

0

MANILA, Philippines- Hindi dumedepende ang Pilipinas sa United States sa pagbabantay sa West Philippine Sea, ayon kay National Task Force West Philippine Sea (NTF WPS) spokesperson Jonathan Malaya nitong Huwebes.

Sa isang panayam, inihayag ni Malaya na ang Philippine Navy at ang Philippine Coast Guard (PCG) ang nagsasagawa ng mga operasyon, partikular sa resupply missions sa Ayungin Shoal, sa West Philippine Sea at hindi ang US.

“Hindi ko maintindihan ‘yung konsepto ng umaasa sa kaalyado kasi hindi naman ‘yung Estados Unidos ang nagdadala ng supplies sa Ayungin Shoal, sa BRP Sierra Madre,” pahayag niya.

“Walang dependence relationship dito. Ito ay Philippine mission. Philippine troops ang pupunta doon, nagro-rotate, ‘yung mga vessel lahat Philippine Navy o PCG. Ang ginagawa lang ng US is monitor what’s happening there,” dagdag niya.

Ito ang naging tugon ni Malaya, isa ring ranking official ngNational Security Council (NSC), sa pahayag ng ilang senador na umaasa lamang umano ang Pilipinas sa US matapos mamataan ang American aircraft sa pinakabagong resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Hinaharangan ng China vessels ang resupply mission ng bansa sa shoal sa pamamagitan ng “dangerous maneuvers” at paggamit ng water cannons.

Sinabi ni Malaya na nagsasagawa ang US aircraft ng reconnaissance at surveillance sa lugar dahil sa umiiral na Mutual Defense Treaty sa Pilipinas. RNT/SA

Previous articlePSC maghohost ng financial literacy seminar para sa nat’l athletes, coaches
Next articleIlang programa ng DOLE exempted sa election ban

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here