MANILA, Philippines- Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ‘sobra sa kanyang inaasahan’ ang three-day state visit niya sa Malaysia.
“I’m happy to be able to say that we’ve actually done more than we expected we would in the very short time that we are here,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam kasama ang Philippine media delegation.
Ang investment pledges na naiuwi ng Pangulo mula sa Malaysia ay $285 million.
“It is not definite… it’s up to $285 million and so we are, because we are still seeing kung ano ba talaga ‘yung pwede,” ang wika ng Pangulo.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na interesado ang mga Malaysian business leader na mamuhunan sa food processing industry, multi-service digital platforms, aviation, aviation maintenance support services, logistics, manufacturing, infrastructure, water, at wastewater treatment sa Pilipinas.
Hindi naman makapagbigay si Pangulong Marcos ng pagtatantiya kung ilan ang magiging bilang ng trabaho na magagawa sa investment commitments.
“We don’t have a number as yet because kakapirma lang eh, we have to make assessments,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Binanggit naman ng Chief Executive ang railway project na nagkakahalaga ng $3 billion kung saan makakasama ang MVP Group.
“Let me add to that another large contract of $3 billion in terms of a new agreement that has been made by the MVP Group,” aniya pa rin.
Hindi naman pinalawig pa ng Pangulo subalit sinabi nito na ito’y physical connectivity sa mga ASEAN members. Kris Jose