Home NATIONWIDE Maletang may laman na P50-M alahas naibalik na; P1M reward ibinigay sa...

Maletang may laman na P50-M alahas naibalik na; P1M reward ibinigay sa kumuha

MANILA, Philippines – Naibinalik na ang kinuhang maleta na sinasabing naglalaman ng P50 milyon na alahas at bag na aksidenteng naiwan ng may-ari nito sa NAIA.

Base sa kuha ng CCTV mula Oktubre 1 bandang alas-8 ng gabi. ipinakita ni Maricor Flores, ang may-ari ng naiwang maleta, na habang sumakay sa kanyang sasakyan sa NAIA Terminal 3 arrival area, sa paniniwalang kinuha na ito ng kanyang driver at isinakay sa kotse.

Ang isa pang tao ay nakita mamaya na kinuha ang maleta at dinala ito sa isang luggage trolley.

Lumapit si Flores sa ilang news agency partikular sa Raffy Tulfo in Action para matulungan sa paghahanap ng kanyang maleta at ng kumuha rito.

Sa nasabi ring programa, lumapit ang pamilya ng kumuha sa maleta at ibinalik ito nang buo. Binigyan naman ni Flores ang pamilya ng reward money na P1 milyon. RNT

 

Previous articleManila North Cemetery ‘shortcut’ isasara
Next articleNicole Borromeo, 3rd runner-up sa Miss International 2023!