Home NATIONWIDE ‘MALI, PINATAY NG KASAKIMAN’ – PETA

‘MALI, PINATAY NG KASAKIMAN’ – PETA

MANILA, Philippines- Pinatay ng kapabayaan, kawalang interes sa kanyang kapakanan at kasakiman ang elepanteng si Mali, ayon sa animal rights group na People for the Ethical Treatment of Animals (Peta) matapos mabalitaan ang pagkamatay ng nasabing hayop sa Manila Zoo.

“We’re so sorry, Mali. You deserved better,” sabi ng Peta sa Facebook post nito.

Sinabi ng grupo na dati na silang nagbabala sa mga opisyal ng Manila Zoo at Lungsod ng Maynila tungkol sa maliwanag na mga problema sa paa ni Mali.

Ito anila ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga bihag na elepante.

Matagal nang binatikos ng grupo ang masamang kondisyon ni Mali sa loob ng Manila Zoo sa pagsasabing ang mga ganitong sitwasyon ay pahirap para sa mga babaeng elepante.

“Because of indifference and greed, Mali the elephant died the same way she had lived for nearly 50 years: alone in a concrete pen at the Manila Zoo,” ang pahayag ng grupo.

Ayon sa Peta, sinentensyahan ng Manila Zoo at Lungsod ng Maynila si Mali ng apat na dekadang pagkabilanggo.

Noong 2012, sinimulan ni Peta ang isang kampanya upang ilipat ang elepante sa isang sanktuwaryo sa Thailand. Tinawag nila si Mali na “pinakamalungkot na elepante sa mundo.” RNT

Previous articleModernisasyon ng sektor ng bigas sa Pinas pinaigting ng DA
Next articleNYC nagbabala vs kumakalat na NPA recruitment video