Home ENTERTAINMENT Malia, bet magkaroon ng ‘dada’ na pulis!

Malia, bet magkaroon ng ‘dada’ na pulis!

Manila, Philippines – Ever wondered kung bakit “behaved” na ngayon si Pokwang sa social media, na sa wakas ay tinigilan na rin nito ang dating karelasyong si Lee O’Brian?

Well, much of Pokwang’s good behavior ay dapat ipagpasalamat kay Eugene Domingo.

Way before Pokwang’s transfer to GMA, her friendship with Uge goes a long way.

At si Uge rin noon ang panay pang-uurot kay Pokwang na lumipat na sa rival station.

Dahil nga trusted si Uge kung kaya’t her pieces of advice to Pokwang are taken well.

Simple lang ang ipinunto ni Uge para tantanan na ni Pokwang si Lee: isaalang-alang ang kanilang anak na si Malia.

Posible kasing matisod ni Malia ang mga lumang posts ng ina attacking her dad, and it’s not good for the child.

Siyempre, mas nagkaroon ng masinsinang pag-uusap ang dalawang komedyana during shooting breaks of ang Becky & Badette.

Obyus na natauhan si Pokwang sa pagkakaroon ng epekto kay Malia ng mga hanash niya kay Lee.

Pero ewan kung sa pagkakataong ito’y tatalima si Pokwang sa kahilingan ni Malia.

Ang request kasi ng bagets ay magkaroon ng “new dada” sa katauhan ng isang pulis.

Naungkat ‘yon sa tsikahan ng mag-ina sa Instagram Story ni Pokwang.

Sundot naman ni Pokwang: “Why do you want your new dada to be a policeman?”

Tanging “Because…” lang ang naisagot ni Malia, na nagpaalam pa sa ina: “Can I kiss him in front of the camera?”

Liliwanagin lang namin, it’s Malia who likes her new dada to be a cop.

Baka isipin kasi ng mga haters ni Pokwang, bet ng komedyanang magkaroon ng dyowang pulis para ipadampot si Lee! Ronnie Carrasco III

Previous article11 pang bihag pinalaya ng Hamas
Next articleSUV nagliyab sa QC!