MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Lunes, Oktubre 9 na exempted na ang mga maliliit na magsasaka sa pagbibigay ng resibo.
Sa pahayag, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na sakop ng exemption ang mga magsasaka na ang annual gross sales ay hindi lalampas ng P1 milyon, ayon sa Revenue Regulation No. 12-2023.
Ang exemption ay para sa “individuals who are suppliers/producers/sellers, contract growers, and millers of agricultural food products.”
“Small farmers do not need to issue receipts. The BIR will do its part in making the lives of our farmers easier. The BIR will only require receipts if their annual gross sales/receipts exceed 1M,” saad sa pahayag ni Lumagui.
Inalis din ng BIR ang “requirement: ng principal at supplementary gross sales/receipts para sa pagbebenta ng agricultural food products ng mga maliliit na magsasaka.
Anang ahensya, ang agricultural food products ay tumutukoy sa mga produkto sa “original state” nito katulad ng farm produce, livestock, poultry, marine product, ordinary salt, at agricultural inputs.
Sakop din ng exemption ang mga produkto na sumailalim sa simpleng proseso ng paghahanda o preservation, ayon pa sa BIR. RNT/JGC