Home METRO Maliliit na sari-sari store, karinderya exempted sa business tax sa Marikina

Maliliit na sari-sari store, karinderya exempted sa business tax sa Marikina

MANILA, Philippines – Exempted na sa business tax at permit fees ang maliliit na sari-sari stores at karinderya sa Marikina City.

Sa pahayag, sinabi ni Mayor Marcy Teodoro nitong Lunes, Enero 15, na pinirmahan na niya ang Ordinance No. 140 para sa naturang mga exemption.

“The exemption period of business tax, business permit and local regulatory fees and charges shall begin January 1, 2024 to December 31, 2024,” pahayag ng lokal na pamahalaan ng Marikina.

Sakop ng ordinansa ang mga sari-sari store at karinderya na ang start-up capital ay hindi hihigit sa P10,000 at annual gross receipt na hindi lalampas ng P180,000.

Samantala, hindi sakop ng exemption ang mga tindahan at karinderya na ang start-up capital ay mahigit P10,000 at mga nagbebenta ng sigarilyo o alak, kahit magkano pa ang halaga ng start-up capital nito.

“All exempted ‘sari-sari’ stores and ‘carinderias’ will be issued the necessary certificate of exemption by the Business Permits and Licensing Office (BPLO),” dagdag ng Marikina LGU.

Layon ng exemption na matulungan ang maliliit na negosyo na makabangon sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“Ginagawa natin ito hindi para makita lang. Hindi para ipagyabang. Ginagawa natin ito para makatulong,” pahayag ni Teodoro.

“Kaya naisipan natin na ito na, imbis na i-discount, ililibre na lang natin ang business tax,” dagdag ng alkalde.

Dagdag pa, ang Ordinance No. 139, ay nagpapalawig din ng period ng renewal ng business permits na walang surcharges at penalty mula Enero 20, patungong Marso 31. RNT/JGC

Previous article30% ng agri products ng bansa nasayang sa ‘poor logistics’
Next articlePBBM ‘di pabor sa Cha-cha – Imee