Home OPINION MALING SOLUSYON SA HIMUTOK NG MGA NARS

MALING SOLUSYON SA HIMUTOK NG MGA NARS

120
0

ANG hindi maipagkakailang isyu ng mababang pasuweldo sa ‘nurses’ sa Pilipinas ay nangangailangan ng reality check. Sinasabing nasa 40-50 porsyento ng nurses ang umalis na sa trabaho nilang may napakababang pasahod, lalo na sa mga pribadong ospital.

At ang plano ng Department of Health na gamitin ang serbisyo ng mga hindi lisensiyadong nurses para punan ang malaking kakulangan sa mga pampublikong ospital ay nagbibigay-diin sa mas malalim na problema: ang kawalang kakayahan ng gobyerno na lumikha ng mga uubrang oportunidad para sa nurses. Ang panukalang solusyon ng DOH — pagkakaloob ng temporary license sa mga kamuntikan nang umabot pero hindi man lang naging pasang-awa — ay para bang paglalagay ng “Band-aid” sa malaking sugat.

Binigyang-diin pa ng resulta ng bagong survey ng Capstone-Intel Corporation ang agarang pangangailangang ito. Natukoy sa poll nito noong Agosto 1-10 na sumasang-ayon ang 83 porsyento ng mga Pilipino na payagan ang unlicensed nurses na magsilbi sa healthcare facilities sa ilalim ng superbisyon ng mga lisensiyado.

Animnapu’t siyam na porsiyento ng mga sinarbey ang naniniwalang de kalidad ang magiging trabaho ng mga ito, habang 83 porsiyento ang naniniwalang mas madali na para sa mga ito ang ipasa ang board exam kung sumabak na sila sa aktuwal na trabaho.

Gayunman, ipinagsisigawan lamang ng mga bilang na ito ang hindi na maiitanggi pa: wala talagang tunay na pagpapahalaga sa propesyong ito, kaya naman pinipili ng  licensed nurses na magtrabaho na lang sa ibang bansa.

Target ng gobyerno na mag-hire ng 4,500 unlicensed nurses sa pamamagitan ng DOH, na makabubuti naman, sa aspeto nang pagbibigay ng trabaho. Pero mali pa rin ang pinanggagalingan ng planong ito, na nambabale-wala sa tunay na problema — ang kulang na pasuweldo sa ating mga bayaning healthcare worker.

Bagama’t walang masama sa intensiyon ng DOH, panandalian lang ang estratehiyang ito. Sa halip na kuhanin ang serbisyo ng mga hindi lisensiyado, dapat lumikha ang gobyerno ng sitwasyon kung saan hindi na kailangan pang magdusa ang  kuwalipikadong nurses kumita lang nang sasapat sa kanilang mga pangangailangan.

Panahon nang mamuhunan ang gobyerno sa nurses at gawing prayoridad ang kanilang kapakanan, kung ayaw nating patuloy na duguin ang ating sektor pangkalusugan.

 

 

*              *              *

 

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

Previous articleBONG GO, NHA DISTRIBUTE P13.28-M FIRE VICTIMS
Next articleNITROGEN HYPOXIA PAMBITAY SA KRIMINAL

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here