MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang tatlo sa pinakamalalaking mall operator sa bansa na magkakaroon ng adjustment sa kanilang operating hours.
Ayon sa kanila magsisimula ang kanilang operating hours ng alas-11 ng umaga mula Nobyembre 13 hanggang sa katapusan ng Kapaskuhan.
Ang Ayala Malls ay magbubukas mula 11 a.m. hanggang 11 p.m.
Magbubukas din ang SM Malls mula 11 a.m. hanggang 11 p.m., bagama’t iniisip nilang magsasara sa hatinggabi habang papalapit ang Pasko.
Magbubukas naman ang Robinsons Malls mula 11 a.m. hanggang 10 p.m., ngunit pinag-iisipan nilang magsara ng 11 p.m. sa sandaling mas maraming tao ang makatanggap ng kanilang mga Christmas bonus. RNT