Home ENTERTAINMENT ‘Mallari’ ni Papa P, nangabog sa survey!

‘Mallari’ ni Papa P, nangabog sa survey!

Manila, Philippines- Top choice ang pelikula ni Piolo Pascual na “Mallari” sa lumabas na survey sa socmed na panonoorin among the ten official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Ang nag-survey ay isinagawa ng Goldwin Reviews.

Ang survey ay mula sa pinagsama-samang survey percentage results na kinalap nila sa Facebook, X (dating Tweeter) at Instagram.

Pumangalawa sa “Mallari” ang “Firefly.” Then, “Becky and Badette” at pang-apat ang “Family of Two (A Mother and Son Story).”

Kasama ni Piolo sa controversial film na “Mallari” ang horror princess na si Janella Salvador.

Una kaming na-impress kay Janella sa kanyang debut film na “Haunted House” noong 2015 Metro Manila Filmfest. Malakas ang screen presence at may ibubuga sa aktingan.

Isa sa top-grossing films that year sa MMFF ang ‘Haunted Mansion.”

Kasunod nito, nagningning na ang kanyang estrelya at sunud-sunod na nagbida sa mga teleserye nf ABSCBN.

Nasundan ng ilan pang horror films ang mga pelikulang nagawa ni Janella. And now, isa rin siya sa cast ng “Malları.”

Sabi ni Janella sa mediacon, “To be honest with you, before I accepted this film, sabi ko sa sarili ko parang gusto ko munang magpahinga sa horror kasi parang nata-typecast na rin ako sa mga horror.

“My first film was ‘Haunted Mansion,’ it was horror. I did ‘Bloody Crayons,’ it’s also a slasher film, ‘Killer Bride.’ Parang naging tuloy-tuloy ‘yung horror, hindi siya nawala and I said gusto ko nang magpahinga.”

But what made her decide to accept the movie ay nu’ng malaman niya na si Piolo ang ipa-partner sa kanya.

Paliwanag ni Janella, “As soon as I read the script, sabi ko, this is something na hindi ko pwedeng palampasin. It’s so well-written. It’s very detailed and beautifully written. Kinabahan ako nang slight kasi hindi ko lang makakatrabaho rito si Papa P., partner ko siya rito. Kinabahan ako pero I couldn’t let it pass.”

Humanga rin si Janella sa pagiging professional na actor ni Papa P.

“He has accomplished so much pero nu’ng nasa set na kami never kong naramdaman na Piolo siya.

“He’s very generous. I could also see him working hard for his role.

“Lahat kami rito parang we’re all really just trying to portray our roles na pantay-pantay kami and we worked very hard for this film,” lahad pa ni Janella.

Ang “Mallari” ay mula sa direksyon bi Roderick Cabrido produced by Mentorque Productions at ng Warner Bros.

Ipapalabas ang “Mallari” sa December 25 as one of the official entries for this year’s Metro Manila Film Festival. Julie Bonifacio

Previous articleChristmas convoy susunod sa payo ng PCG; komprontasyon sa China, iiwasan
Next articleKim, nag-lecture sa tamang spelling ng apelyido!