Home NATIONWIDE Malnutrisyon, pagiging bansot ng mga bata pinatututukan

Malnutrisyon, pagiging bansot ng mga bata pinatututukan

MANILA, Philippines – Umapela ng pagtutulungan ng bawat ahensya ng gobyerno, private sector ng publiko si House Committee on Labor and Employment Charman at Rizal Rep Fidel Nograles upang matuldukan ang problema sa malnutrisyon at child stunting o pagiging maliit ng mga bata.

Ang apela ay ginawa ni Nograles sa harap ng ipinalabas na datos ng World Bank na nanatili ang undernutrition sa bansa kung saan 1 sa bawat 3 batang Pinoy na may edad 5 pababa ang nakararanas ng stunting o pagkabansot.

Gayundin ang pag aaral ng United Nations Children’s Fund (Unicef) na 95 na batang Pinoy ang namamatay kada araw dahil sa malnutrisyon habang 27 sa bawat sa bawat 1,000 ang hindi na umaabot sa pagselebra ng kanilang ika 5 taon kaarawan.

Ani Nograles nakalulungkot ang ganitong datos na nangangailangan ng kagyat na aksyon.

“Our country’s future workforce is at risk with the continued prevalence of malnutrition and child stunting. We need to address this issue urgently and seriously, and we need greater effort from all sectors if we are to make progress,” paliwanag ni Nograles.

Una na din pinuna ng Management Association of the Philippines(MAP) ang sitwasyon ng malnutrisyon sa bansa kung saan hindi umano kayang makipagsabayan ng mga Filipino sa magiging demand sa mga susunud na taon.

“We cannot afford to have a major segment of our abundant workforce ill-equipped to meet the demands of the future AI-driven economy, by having lower mental capacities due to impaired brain development stemming from stunting at an early stage,”pahayag ni MAP Governor-in-Charge of the MAP Cluster on Resilience and Recovery at National Economic and Development Authority chief Cielito Habito sa naganap na multi-sectoral meeting na Campaign Against Malnutrition and Child Stunting(CAMACS).

Sinabi ni Nograles na nangangailangan na kumilos ang mga local government units na palakasin ang kanilang nutrition campaigns.

“Our LGUs are on the frontline and ideally placed to address malnutrition and child stunting. And with health functions now devolved to the local level, it is our responsibility to do something,” giit ni Nograles.

“A nation that is hungry now will be hungrier in the future if we do not take aggressive steps to tackle this grave issue,” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza

Previous articleMental health training sa PNP Personnel isinulong ng solon
Next articlePinas dehado sa war on plastic pollution – DENR