Malusog na picture ni Angel Locsin, pinagpipistahan sa social media!

Malusog na picture ni Angel Locsin, pinagpipistahan sa social media!

June 19, 2020 @ 5:26 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Noon pa man ay usap-usapan na ang paglobo ng katawan ni Angel Locsin ngunit of late ay talaga namang pinagpistahan sa social media ang ilang mga pictures ni Darna na very obvious ang paglaki.

As of press time ay hindi pa alam kung photoshopped ba o hindi ang mga naglabasang pictures ngunit viral na ito at sari-saring reaksiyon ang ibinigay ng mga netizens.

Ang mga pictures na naglabasan ay kuha nang nagpunta si Angel sa Mauban, Quezon upang mag-shoot ng kanyang docu/reality show sa Kapamilya channel.

Sa pictures na lumabas ay naka-green t-shirt ang aktres na nakasuot ng maong. May sukbit din siyang backpack sa likod at sa kuwestiyonableng mga pictures ay pumuputok ang kanyang katawan sa kanyang suot.

Karamihan sa netizens ay nagulat sa paglobo ng kanyang katawan base sa pictures.

Ang iba naman ay deretsyong nagbigay ng body shaming comments kay Angel na matatandaang two times na ginawaran bilang Sexiest Woman in the World ng FHM Philippines.

Sa Tweeter world naman ay ‘sandamakmak ang nag-Tweet na nagsasabing positive vibes ang dating sa kanila ng mga latest pictures ni Darna. May mga nagsabi pang gorgeous looking pa rin siya inside and out, kahit na naka-face mask pa.

Sinabi pa ng isang netizen na kahit na ano pa ang hugis ni Angel ay tanggap nila ito:

“Angel Locsin can be in any shapes and sizes & people will still like her. She didn’t care about her weight bcoz she’s busy carrying the weight of the world on her shoulders than any of you or this government could ever carry. Among her many forms, being an Angel and Darna stood out.”

‘Yung ibang netizen naman ay beastmode at deretsyong minumura ang mga namba-bodyshame kay Angel.

Noon pa man ay hindi tumitigil sa pagtulong sa mga nangangailangan si Angel kaya hindi na rin nakapagtataka na marami ang nagtatanggol at dumidipensa sa kanya lalo na sa mga nanglalait sa kanyang weight gain.

Fact is, inspiration pa nga raw nila si Angel lalo na sa mga plus-sized na tulad niya. Joey Sarmiento

Share

Comment (1)

  • Ismael Nash Reply

    I am sure this blog has touched all the internet viewers, its really pleasant post on building up new web site.

    July 13, 2020 at 7:19 am

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...