Home METRO Maluwag na seguridad sa MSU itinuturong mitsa ng Marawi blast

Maluwag na seguridad sa MSU itinuturong mitsa ng Marawi blast

MANILA, Philippines- Posibleng ang kakulangan sa paghihigpit sa seguridad sa Mindanao State University ang nagging dahilan ng pagbomba sa isang Catholic Mass sa loob ng campus noong Linggo, ayon sa senior National Security Council official. 

Inihayag ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na matapos ang pagbomba, nakatanggap sila ng spot reports mula sa Philippine National Police ukol sa pagkalat ng text messages ng posibleng pag-atake. 

Aktibo rin ang natitirang miyembro ng Maute group, na nagsagawa ng five-month Siege sa Marawi noong 2017, sa lugar, aniya.

“I think there was a lapse of security in the MSU campus itself. I am not entirely privy to the security arrangements of the campus itself but obviously there was lack of security measures that were implemented by MSU management,” pahayag niya sa isang panayam.

Patuloy niya: “Our suggestion to the Mindanao State University, in particular the Marawi campus, is to coordinate closely with the Philippine National Police and the Armed Forces of the Philippines moving forward. I think definitely security could have been heightened, more security measures could have been implemented, which could have prevented this attack.”

Aniya, kailangang matapos ang special arrangement” na pumapayag sa MSU na magbigay ng seguridad para sa sarili nitong komunidad “because of the threat of violent extremism.”

Inako ng Islamic State nitong Lunes ang responsibilidad para sa pagsabog, kung saan ansawi ang apat na indibidwal at nag-iwang sugatan sa nasa 50 iba pa. Sa Telegram channels nito, sinabi ng ISIS “soldiers of the caliphate detonated an explosive device on a large gathering of Christians… in the city of Marawi.”

Subalit, sinabi ng NSC official na mayroong mga pagkakataong inaako ng Islamic State claang responsibilidad sa pag-atake, na kalaunan ay napapag-alamang hindi totoo.

Samantala, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na iniimbestigahan nito ang dalawang persons of interest sa December 3 bombing.

Hindi inilahad ni AFP spokesman Col Medel Aguilar ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal, subalit iginiit na aktibo silang tinutugis ng mga awtoridad. RNT/SA

Previous article2023 Bar passers binati ni PBBM
Next article‘Hacking’ ng FB page ng PCSO tinatalupan ng DICT