Home ENTERTAINMENT Management ni Ian, nagpaliwanag sa isyu sa TF!

Management ni Ian, nagpaliwanag sa isyu sa TF!

Manila, Philippines – Nag-isyu ng statement ang kampo ni Ian Veneracion para pasinungalingan ang claim ni Ronald Carballo sa kanyang Facebook account tungkol sa diumano’y kalahating milyong talent fee ng aktor sa isang event.

Sa isang pahayag na eksklusibong ipinadala sa INQUIRER.net, binansagan ng pamamahala ni Veneracion ang post ni Carballo bilang nakakahamak at isang pagtatangka na ipahiya sa publiko ang aktor.

“Rather than verifying the information (on Veneracion’s talent fee), Mr. Carballo appears to have engaged in online behavior that undermines these principles, in an attempt to publicly humiliate our client and our team. “Considering these developments, we are exploring legal options to address the online defamation by Mr. Carballo,” simula ng statement.

Sinabi pa ng pamunuan ni Veneracion na sumusunod ito sa isang mahigpit na patakaran ng pagiging kumpidensyal at transparency na sinabi nito ay kinakailangan sa lahat ng pakikitungo sa negosyo.

Gayunpaman, nilabag daw ito ni Carballo sa kanyang Facebook post noong Martes, Enero 16, matapos akusahan ang aktor na humingi ng P500,000 na talent fee, ayon pa sa kampo ng aktor.

“In managing our client’s professional engagements, we maintain a strict policy of confidentiality in all business dealings, ensuring transparency and respect both with clients and artists.”

Kinikilala rin ng management ni Veneracion na bagama’t ang standard rate at availability ay kinakailangan sa ilang partikular na pagpapakita, ang mga detalye na ibinigay sa claim ni Carballo ay may mga kamalian.

“Contrary to the claims, we did not request any additional charges. Our terms were clear, especially regarding the hours required for the event, and at no point did we ask for a solo float.

“For this particular event, our communication was with a friend of the coordinator, adding multiple layers to the negotiation process. This is not the typical direct line of communication we usually have with clients or their immediate representatives.”

Sa kabila ng mga pagsisikap ng management ni Veneracion na iwasto ang maling impormasyon, sinabi nitong tinangka ni Carballo na harangan sila sa social media at tanggihan ang anumang paraan ng posibleng komunikasyon.

“In our business dealings, we acknowledge that negotiations are a standard practice and are open to discussions with professionals across various fields, be it artists, graphic designers, editors, or others. However, it’s crucial to approach these negotiations with respect and professionalism.

“The reaction to the rate, whether perceived as too high or too low, should be handled appropriately. Professional rates are set based on a myriad of factors, including experience, expertise, and market standards.

“It is disheartening when these rates are met with attempts to undervalue the professional’s worth through lowballing.

“We stand firm in respecting the rates set by professionals and encourage others to approach such discussions with fairness and respect.”

Sinibukan din ng INQUIRER.net na tawagan si Carballo para sa kanyang reaksyon, ngunit hindi pa siya nagbibigay ng kanyang komento hingil sa isyu.

At bukas din ang Remate online sa paliwanag na ibibigay ni Ronald tungkol sa isyu. Rommel Placente

Previous articleKolehiyala patay sa dating nobyo
Next articleSinulog fluvial parade dinagsa ng mga deboto