Home ENTERTAINMENT Manager ni Baron, to-the-rescue sa isyung sibakan!

Manager ni Baron, to-the-rescue sa isyung sibakan!

Manila, Philippines – Talent manager Arnold Vegafria had to take the cudgels for his ward Baron Geisler.

Itinayming ito ni Arnold makaraang kalat na kalat na ang balitang tatanggalin na si Baron sa teleseryeng Senior High ng ABS-CBN.

Lumutang ang nasabing balita sa pamamagitan muna ng isang blind item which was later traced to Baron.

Sa ‘di malamang dahilan, inaaway raw ng aktor ang isang taga-produksyon.

Ang panunumbalik umano nito sa bisyong labis na pag-inom ang itinuturing “culprit.”

Ito raw ang umano’y dahilan kung bakit kinatatakutan si Baron ng mga kasamahang bagets stars sa set.

Kagyat namang dumepensa si Arnold sa kanyang alaga para iwasto ang balita.

Ani Arnold, saglit lang daw mawawala si Baron sa Senior High para bigyang daan ang dalawang pelikulang ginagawa nito.

Kasabay ito ng maring paglilinaw ni Arnold that Baron has been removed from the TV series.

Agad namang nagpasalamat si Baron sa kanyang manager who came to his rescue.

Pakiramdam din ng aktor ay sobrang blessed siya dahil bukod sa pagkakaroon ng mga TV assignments, “I get to do movies as well.”

At kung noon daw ay mapagpatol siya sa mga tsismis na walang basehan, “I guess I’m growing up slowly but surely. Work in progress!”

Samantala, sa kanilang online showbiz program ay “hinamon” ni Ogie Diaz si Baron na patunayang nagbago na talaga siya for the better as he claims it.

Ikinatutuwa naman ng mga fans na retained pa rin si Baron sa Senior High taliwas sa naunang balita. Ronnie Carrasco III

Previous articleIna Alegre, nami-miss na ang showbiz!
Next articleIlang araw bago mag-Undas, BSKE mga pasahero sa PH ports dumarami na – PCG