Home ENTERTAINMENT Manager ni Herlene, inirereklamo!

Manager ni Herlene, inirereklamo!

406
0

Manila, Philippines – Dapat daw ay isabuhay ni Wilbert Tolentino ang kasabihang “Don’t bite more than you can chew.”

Inirereklamo umano ngayon si Wilbert ng produksyon ng Magandang Dilag kung saan bida ang alaga niyang si Herlene Budol.

No, walang kinalaman ang attitude o work ethic ni Herlene, dahilan para mag-backfire ito sa kanyang manager.

May kaugnayan ito sa walang patumanggang pagtanggap ni Wilbert ng mga pagkakakitaang raket ni Herlene, na itinatapat pa nito sa mismong araw ng taping ng Magandang Dilag.

Hindi raw puwedeng lumusot si Wilbert dahil aware naman daw ito sa taping sked ni Herlene ng afternoon serye nito.

Kaso, sa pagnanais daw ni Wilbert na “maka-quota” ay panay ang sunggab nito ng mga raket para sa alaga.

Naroong iko-commit daw ni Wilbert si Herlene sa mga piyesta, out of town shows at iba pa.

Halatang nabubuwisit na raw ang production team ng serye sa paulit-ulit na lang na gawaing ito ni Wilbert.

As a result nga’y apektado ang sinusunod nilang time table.

Matatandaang naiulat ng Remate Online ilang buwan na ang nakakaraan ang tungkol sa pagre-report ni Herlene sa set ng nasabing serye.

Dahil kabi-kabila ang mga raket nito’y lupaypay na kapag sinisipot niya ang taping.

This was like several months ago, a case which has persisted to this day.

Eh, anong petsa na? Nagte-taping pa rin?

Hindi ba’t matagal na dapat for airing ang kauna-unahang pagbibida ni Herlene?

Kaya pakiusap ng production people kay Wilbert, huwag naman daw itong masyadong “pakabig.”

Oo nga raw at biyayang maituturing ang mga raket na ‘yon para kay Herlene, pero ‘ika nga maghunos-dili naman siya. Ronnie Carrasco III

Previous articleMagkapatid timbog sa Las PiƱas drug ops
Next articleTaktikang Duterte vs iligal na droga, kailangan – Bong Go

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here