MANILA, Philippines – Maaaring agad na manungkulan pagkatapos maiproklama, manumpa sa tungkulin at magsumite ng kanyang statement of contributions and expenditures (SOCE) ang mga mananalong kandidato sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ginawa ng Comelec ang pahayag sa isang liham mula sa law department nito na naka-address sa Department of the Interior and Local Government kung saan ipinaliwanag na batay sa desisyon ng Korte Suprema na umaayon sa unconstitutionality ng Republic Act 11935, ang termino ng panunungkulan ng mga kasalukuyang opisyal ng barangay at SK ay natapos na noong Disyembre 31, 2022.
“If the candidate for the October 30, 2023 BSKE obtained the highest number of votes among the remaining candidates for the same position in the same barangay, and later on proclaimed, and subsequently took his or her oath of office, the said candidate, now referred to as the winning candidate and/or newly elected official, may immediately and effectively assume office,” sabi ng Comelec.
Ipinunto ng election body na sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act No. 7166, ang halal na opisyal ay maaari lamang na manungkulan kapag naihain na nila ang kanilang SOCE.
Ang deadline para sa SOCEs ay sa Nob. 29, sa ilalim ng Comelec calendar of activities para sa BSKE. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)