Home LOCAL BIZ Manang Medina, nagpaka-daring, pinag-uusapan sa Vivamax!

Manang Medina, nagpaka-daring, pinag-uusapan sa Vivamax!

377
0

Manila, Philippines – Talk of the town ngayon sa mundo ng Vivamax ang baguhang sex nymphet na si Manang Medina. Paano ba naman, from being a theater actress ay napunta si Manang si Vivamax na alam naman ng lahat na may imahe ng pagiging extremely sexy ng mga pelikulang pinalalabas sa online movie streaming.

First movie nga ni Manang ang Lagaslas na sinasabing wild, wet at crazy na kakaibang slant ng love story.

Ayon kay direk Christopher Novabos ay piniga niya sa nasabing sexy flick si Manang. Bilang first timer sa sexy genre ay nagulat ang lahat sa pagiging game ng sexy star.

Teka, paano ba ipinanganak ang kanyang screen name na Manang Medina.

“Paano kasi, gagawa dapat ako ng isang project na may title na ‘Unmaking of a Manang’ pero hindi ‘yun natuloy and from there, tinawag na nila akong manang,” kwento niya.

Ang isa sa mga meanings ng manang ay conservative o makaluma. Conservative ba siya sa totoong buhay?

Ibinandera ni Manang ang kanyang sexy outfit na halos lumuwa ang boobs sabay sabing, “‘yan ba ang conservative?”

Oo nga naman.

Anyway, naitanong din kay Manang kung ano sa kanya ang definition ng wet and wild sa isang relasyon.

“Para sa akin, ang wet and wild, e, ‘yung ibibigay mo ang lahat ng gusto ng iyong karelasyon alang-alang sa love.

“And yes, ganu’n ako,” pagmamalaki niya.

Ang Lagaslas ay isang erotic-drama thriller na pinagbibidahan ni Manang at ni VR Relosa.

Kasama rin nila sa pelikula sina Julio Diaz, Rubi Rubi at Arnold Reyes. Ang Lagaslas din ang unang Vivamax Original Movie mula sa direksyon ni Christopher. Ito rin ang unang pelikula niya na mapapanood sa isang mainstream platform. Abangan ang streaming ng Lagaslas sa Vivamax simula ngayong February 17, 2023. JP Ignacio

Previous articleStudent groups sa Senado: Pagpili ng studes sa volunteer work kaysa ROTC, suportahan
Next article2 jobless luminya sa droga, nalambat ng PDEA!