MANILA, Philippines – Sinibak na sa puwesto ang hepe ng Mandaluyong City police matapos magpositibo sa random drug test base na rin sa kumpirmasyon ni Eastern Police District Director BGen. Wilson Asueta.
Sa isang text message sa CNN Philippines, sinabi ni Asueta na si Mandaluyong City police chief PCol Cesar Gerente ay isinailalim din sa administrative charges.
“He is given 15 days to challenge the drug test result,” ani Asueta.
Ang random drug test ay isinagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagsisikap na linisin ang Metro Manila mula sa mga walang prinsipyong tauhan ng pulisya.
“I will not tolerate scalawags in NCRPO especially those who are involved in illegal drug activities, sinisiguro kong may kalalagyan kayo [you will be put in your place],” ani NCRPO acting regional director Jose Melencio Nartatez.
“Patuloy ang NCRPO sa paglilinis sa aming hanay para sa tapat at marangal na serbisyo ng publiko,” dagdag pa ni Nartatez.
Samantala, sinabi ni PCol. Mary Grace Madayag ay itinalaga bilang acting chief ng Mandaluyong City police. RNT