Home NATIONWIDE Mandatory body-worn cams, isinusulong ni Tulfo

Mandatory body-worn cams, isinusulong ni Tulfo

254
0

MANILA, Philippines- Naghain si Senator Idol Raffy Tulfo ng panukalang batas na inoobliga ang mga operatiba na magkaroon ng body-worn cameras sa special police operations at iba pang aktibidad para mas palakasin ang kalidad ng ebidensya sa anumang operasyon at siguraduhin ang transparency.

Ang Senate Bill (SB) No. 2199 o “Body-worn Camera Act” ni Tulfo ay i-a-apply sa mga law enforcement ops tulad ng paghahain ng warrants of arrest, pagpapatupad ng mga search warrant, pagpapatupad ng visitorial powers ng Chief Philippine National Police at mga unit commander, at operasyon kontra ilegal na droga.

“This law will provide for an effective law enforcement operation – from investigation, apprehension, detention, and prosecution by utilizing sound and modern procedure in crime investigation,” nakasaad sa panukalang batas.

Ayon kay Tulfo, mayroon dapat minimum standard requirement ang mga body-worn camera, particular na ang mga sumusunod: 720p o mas mataas na video resolution; built-in na frame rate, audio, petsa at time-stamping, at GPS; walong oras na tuloy-tuloy na buhay ng baterya; kakayahang mag-imbak ng walong oras na tuloy-tuloy na audio-video footage; at may built-in na night mode.

Sa pagsususmite ng panukalang batas, sinabi ni Tulfo na ang mga alagad ng batas ay may mandato na magsuot at i-activate ang body-worn camera upang makuha at maitala ang buong pagsasagawa ng operasyon sa panahon ng pagpapatupad nito.

Dagdag niya, ang body-worn camera ay dapat mag-record ng buo sa lahat ng mga aktibidad na nauugnay sa pagsasagawa ng operasyon at hindi ito dapat i-deactivate hangga’t hindi natapos ang operasyon at umalis ang mga alagad ng batas sa lugar ng operasyon.

Sa hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kahapon, May 23, sinabi ni Tulfo na walang operatiba dapat ang magsasagawa ng isang anti-drug operation nang walang body cam.

Sa ganitong paraan din aniya ay mapipigilan ang mga pang-aabuso at iba pang posibleng human rights violation ng mga tiwaling pulis. Ernie Reyes

Previous articleIntel vs ‘narco village execs’ pinaigting ng PNP bago mag-eleksyon
Next articleVoucher program para sa tertiary education, aprub na sa Kamara

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here