Home NATIONWIDE Mandatory evacuation ng mga Pinoy sa Israel ‘di pa kinokonsidera –  DFA

Mandatory evacuation ng mga Pinoy sa Israel ‘di pa kinokonsidera –  DFA

MANILA, Philippines- Inihayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega nitong Martes na hindi pa kinokonsidera ang mandatory evacuation sa gitna ng pag-atake ng Palestinian militant group Hamas sa Israel.

“Not yet considered,” ani De Vega nang tanungin kung may posibilidad na pairalin ang mandatory evacuation. 

“Mandatory is, in case there is breakdown of authority and absolute war. Israel has a stable government,” dagdag niya.

Sinabi ni De Vega na umaayos na ang sitwasyon sa Israel, at inihayag na ikokonsidera ang mandatory evacuation kung mayroong pag-atake sa Tel Aviv.

Base kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, dalawang Pilipino ang sugatan sa gitna ng kaguluhan.

Gayundin, pitong Pilipino ang nawawala.

Samantala, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na sa tamang panahon, pauuwiin ng mga awtoridad ang mga Pilipino sa Israel na nais bumalik sa Pilipinas.

“Sa tamang oras, sa tamang panahon, in coordination with the Israeli authorities, ay tayo ay magsasagawa evacuation-repatriation doon sa mga nagnanais umuwi. Kapag dumating sa punto ng mandatory repatriation, ay isasagawa rin natin ito,” paliwanag ni DMW officer-in-charge Hans Cacdac. RNT/SA

Previous articlePagtataboy ng Tsina sa PH Navy vessel sa Scarborough pinabulaanan ng AFP: Papogi lang
Next articleJoshua, bet sundan ang yapak ng ama, nag-enrol sa cooking school!