Mandatory regional quarantine facility, isinusulong ng Cebu solon

Mandatory regional quarantine facility, isinusulong ng Cebu solon

July 1, 2020 @ 4:30 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Humingi ng saklolo si Cebu City 2nd District Rep. Rodrigo Abellanosa sa Department of Health (DOH) na tugunan ang kakulangan ng health workers, ambulansya at medical supplies sa lalawigan kasunud na rin ng patuloy na paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Abellanosa dapat na agad nang umaksyon ang DoH para mapigilan ang pagdami pa ng covid cases.

“With the daily unabated number of positive cases in Cebu City, the local health care system naturally breaks down. People are dying even before they could get admitted and tested. Medical personnel, ambulances, equipment and supplies are running very low. I hope Secretary Francisco Duque III can have these addressed immediately,” pahayag ni Abellanosa.

Ang apela ay ipinarating din ni Abellanosa sa Cebu Medical Society.

Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu, na siyang nangangasiwa sa COVID-19 response sa Cebu City na 30 percent dagdag na health worker ang kailangan sa lalawigan at inirekomenda din nya na isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong lalawigan.

Sa isang panayam kay Cimatu sinabi nito na ang isolation centers na inilagay sa mga barangay ang siyang nagbigay daan para tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa Cebu kaya naman kanilang ililipat sa mas malayong mga lugar ang isolation centers.

“I have to transfer iyong isolation structure nila outside of their respective barangays. Ilalayo ko para di na maulit ito” paliwanag ni Cimatu kung saan ang Cebu Coliseum ay nakatakdang gawin na bilang isang quarantine facility para sa mga pasyente.

Dinepensahan din ni Cimatu ang pagtatalaga ng dagdag na military personnel sa lalawigan na nakatutulong umano sa pagbabantay ng mga checkpoints para mabantayan ang mga residente na patuloy na lumalabas ng kanilang mga bahay.

“The intention naman talaga really is not to actually show force. It’s a way of preventing them from going outside,”  ani Cimatu kung saan may 2,000 uniformed personnel mula sa Philippine National Police (PNP) at 33-man medical team mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang itinalaga na sa Cebu bilang augmentation forces sa pagpapatupad ng health and safety protocols.

Samantala, isinulong naman ni Abellanosa ang pagsasabatas ng House Bill 7005, o ang Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020 na naglalayong magtayo ng Regional quarantine facilities.

“We badly need these facilities. We are yet to see the light at the end of the tunnel in the darkness of this pandemic. This pandemic continues to be a knee on our neck,” giit ni Abellanosa. Gail Mendoza

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...