Home HOME BANNER STORY Mandatory repatriation ipatutupad na sa Gaza!

Mandatory repatriation ipatutupad na sa Gaza!

MANILA, Philippines – Itinaas na ng Pilipinas sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa Gaza.

Nangangahulugan ito na mandatoryo na ang paglilikas sa mga Filipino, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo, Oktubre 15.

Dahil dito, nanawagan ang DFA sa mga Filipino na lisanin na ang Gaza at nangakong tutulungan ang mga ito na makatawid sa Egypt.

Mayroong 131 Filipino sa Gaza.

Noong Huwebes ay itinaas ng DFA ang Alert Level 3 sa Gaza na nangangahulugan ng voluntary repatriation. RNT/JGC

Previous articleJimmy, sinorpresa si Joey sa E.A.T.!
Next articleLTFRB ex-official handang humarap sa imbestigasyon ng NBI