Home METRO Mangingisda, tindero ng isda, 2 pa nalambat sa Navotas buy bust

Mangingisda, tindero ng isda, 2 pa nalambat sa Navotas buy bust

MANILA, Philippines – SA loob ng rehas na bakal magdiriwang ng Pasko ang apat na tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni Ronald Yongco, 43, fish vendor at front lang umano nito ang pagtitinda ng isda.

Isinailalim ng SDEU sa validation si Yongco at nang positibo ang report ay ikinasa nila ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-2:51 ng madaling araw sa Badeo 5, Brgy. San Roque, kasama ang kasabwat na si Edwin Aguilar, 41, fisherman.

Ayon kay PSSg Jeric Delos Reyes, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 4.5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P30,600, at isang pirasong P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Bandang alas-4:05 naman ng madaling araw nang maaresto din sa buy bust operation ng kabilang team ng SDEU sa Ayungin St., Brgy. NBBS Kaunlaran, sina Lanie Garcia at Emrinor Tenorio. Nakuha sa kanila ang nasa 4.8 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P32,640 at P500 buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura

Previous articleOath taking ceremony sa 3,812 pumasa sa 2023 Bar exam isinagawa
Next articleNumber coding suspendido mula Dis. 25 ‘gang 26