Home NATIONWIDE MANIBELA nagbabala: Transport strike palalawigin!

MANIBELA nagbabala: Transport strike palalawigin!

MANILA,P Philippines- Nagbabala ang transport group MANIBELA nitong Biyernes na palalawigin nito ang nationwide transportation strike nito hanggang sa susunod na linggo sakaling ipagpatuloy ng gobyerno ang pagsusulong nito sa December 31 deadline para sa konsolidasyon ng jeepney drivers at operators bilang bahagi ng PUV modernization program.

Sinimulan ng MANIBELA ang three-day transport strike nito noong Miyerkules.

“Kung sasabihin ni Secretary Bautista na hanggang December 31 na lang kami, paghahandaan na namin mag-araro para January may laman na siguro ang aming tinanim,” pahayag ni Kapisanan ng San Joaquin Drivers Operators president Redentor Indicio sa ulat.

Halos 150,000 jeepney drivers at operators sa buong bansa ang inaasahang makikilahok sa extended strike. 

Iginiit ng MANIBELA na ibalik ang lumang franchising system kung saan pinapayan ang individual drivers na maghain ng sarili nilang five-year license at pagpapalawig o pagkalos sa December 31 enlistment deadline.

Sa kabila ng kani;ang protesta, nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na nila ieextend ang naturang deadline.

Ayon pa sa LTFRB, nananatili silang bukas para sa mga driver na nais panghawakan ang sarili nilang prangkisa habang miyembro ng kooperatiba, at kailangan lamang umanong ihayag ng mga driver na nais nilang makibahagi sa konsolidasyon upang hindi mawala ang kanilang prangkisa.

“Ito ay pangako na naman na para mabitag nila kami. Mahulog kami sa patubongt nila na pumasok sa consolidation. Kung ang sinasabi ng gobyerno ay kaya naman nilang matugunan ‘yang pangangailangan sa kakulangan ng transportasyon dahil sa Libreng Sakay, eh hindi na siguro dapat kamping bumalik sa kalsada,” ani MANIBELA president Mar Valbuena.

Ayon sa gobyerno, handa itong mag-deploy ng public utility vehicles na libreng magseserbisyo sa mga pasahero sakaling gumulong ang extended strike. 

“Di natin nakikita na malaki ang epekto ng Manibela. Kung sila ay magtitigil-pasada. Pero di rin naman namin sila ine-enganyong gawin niyo yan,” ani LTFRB spokesperson Celine Pialago.

Samantala, nag-aalok naman ang Department of Transportation ing skills training at kapital para sa jeepney drivers na nais nang magretiro. RNT/SA

Previous articlePagbawi ng testimonya ng mga testigo, patunay na inosente ako – De Lima
Next articlePhilSA nag-abiso vs debris mula sa NoKor rocket launch