Home HOME BANNER STORY MANIBELA naghain ng reklamo vs DOTR sa PUV modernization

MANIBELA naghain ng reklamo vs DOTR sa PUV modernization

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo ang Transport group na MANIBELA nitong Miyerkules, Pebrero 7 laban sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na may kaugnayan sa franchise revocation sa unconsolidated public utility vehicles (PUVs).

Sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman, sinabi ni MANIBELA president Mario Valbuena na nilabag ng mga opisyal ang Konstitusyon at Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa pagsusulong para sa PUV Modernization Program.

Nanawagan din siya sa paghahain ng criminal cases laban sa mga opisyal ng DOTR at kanilang preventive suspension.

Kabilang sa respondents sina DOTr Secretary Jaime Bautista, Office of Transport Cooperatives (OTC) chairperson Ferdinand Ortega, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III.

“Neither did the DOTR and LTFRB conduct any consultation among the affected sectors, especially the PUV drivers and operators like the members of complainant MANIBELA and the undersigned Complainant,” ani Valbuena.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2023-051, ang PUV holders at mga drayber ay obligado na mag-consolidate sa mga kooperatiba dahil kung bigo itong magagawa ay babawian sila ng prangkisa.

Ang unconsolidated PUV units na bibiyahe at kukuha ng mga pasahero ay aarestuhin umano.

Samantala, hindi pa natatanggap ng DOTR ang kopya ng reklamo ngunit idinagdag na pag-aaralan nila ang alegasyong inihain laban sa kanila.

“As of today, we have not yet officially received any Complaint-Affidavit. We also have not received any Subpoena or Order from the Ombudsman to submit our Counter-Affidavit. We will study the allegations once received and respond at the appropriate time or forum,” aniya.

“We assure the general public that in implementing the PUV Modernization Program, DOTr and its attached agencies endeavor to strictly comply with pertinent provisions of the 1987 Constitution, as well as relevant laws and jurisprudence,” dagdag pa niya.

Kabilang din si Solicitor General Menardo Guevarra sa respondent ng reklamo ng MANIBELA dahil ipinagtatanggol umano niya ang mga opisyal ng DOTR sa halip na sabihan ang mga ito na sumunod sa Konstitusyon. RNT/JGC

Previous articleSUV na sangkot sa fatal hit-and-run sa basketball player sa Cebu, narekober na
Next articleElreen Ando sumungkit ng pilak sa  AWC