Home HOME BANNER STORY Manifesto vs People’s Initiatives, inilabas ng Senado

Manifesto vs People’s Initiatives, inilabas ng Senado

(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Inilabas ng Senado ang manipesto sa pagtutol sa isinusulong ng “peoples initiatives’ upang amendahan ang 1987 Constitution, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Martes, Enero 23.

Aniya, napagkasunduan ang pagpapalabas ng manipesto matapos ang all senators caucus nitong Lunes na tumalakay sa Resolution of Both Houses No. 6 na naglalayong amendahan ang economic provision ng 1987 Constitution.

(c) Cesar Morales

Noong nakaraang linggo, inihayag ni Zubiri na tinutulan mismo ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-aamyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng people’s initiative na isinusulong ni House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi pa ni Zubiri na inatasan ni Marcos ang Senado na pangunahan ang pagrerebyu sa economic provisions sa 1987 Constitution – taliwas sa naunang posisyon ng Senado na hindi prayoridad ng Senado ang pag-aamyenda sa Saligang Batas.

Magkatuwang inihain nina Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda, t Senator Sonny Angara ang paghahain ng Resolution of Both Houses No. 6.

Ibinigay ang RBH 6 sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes nitong Lunes. Ernie Reyes

Previous articleRomualdez sa People’s Initiative signature drive: No orders
Next article2024 edition ng Tolentino-led PH ROTC Games, simula na