MANILA, Philippines- Kasalukuyang nasusunog ang Wellness Center ng Manila Hotel sa Port Area, Maynila, ayon sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection o BFP.
Itinaas na ito sa ikatlong alarma at patuloy na inaapula ng mga bumbero.
Nakitaan ng puting usok pasado alas-2 ng hapon nitong Huwebes ang gusali.
Bagama’t maulan ang lagay ng panahon, sunod-sunod naman ang pagdating ng fire trucks sa lugar upang maagapan ang sunog at hindi na lumaki pa.
Nagdulot din ito ng pangamba at pag-alala sa mga naka-check in sa hotel lalo na ang mga turista.
Ilan sa mga bisita na rin ang inilipat sa ligtas na lugar upang masiguro na hindi maapektuhan ng usok mula sa sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden