Home HOME BANNER STORY Manila itinanghal na World’s Leading City Destination for 2023!

Manila itinanghal na World’s Leading City Destination for 2023!

MANILA, Philippines- Nasungkit ng Manila ang unang award nito sa prestihiyosong World Travel Awards, kung saan pinangalanan ang lungsod na World’s Leading City Destination for 2023.

Bukod sa pagkilalang ito, napanatili ng Pilipinas sa ang 2022 titles nitong World’s Leading Dive Destination at Beach Destination.

Naganap ang World Travel Awards Ceremony sa Dubai, United Arab Emirates, noong December 1.

Kilala bilang Oscars ng travel industry, ang World Travel Awards ay isang London-based organization na itinatag noong 1993, na kumikilala sa husay sa travel at tourism sa national, regional, at global levels.

Noong February, kinilala ang Manila bilang “most loving city in the world” sa pag0-aaral ng website Crossword Solver. RNT/SA

Previous articleJessy, sinupalpal ang isang mom shamer!
Next articleIsa pang akusado sa Lapid-Villamor murder case hinatulan ng korte