MANILA, Philippines – Target ng Manila North Cemetery (MNC) na magtayo ng mas maraming libingan sa likod na bahagi upang maisara ang isang pathway na ginagamit ng mga bisita sa Undas bilang shortcut para sa pagbisita.
“Ina-assess po ‘yan ng ating city engineer kung kaya pa po ng pundasyon pero worst scenario kung di na kakayanin yan magtatayo na lang kami ng fence,” ani MNC Director Roselle Castañeda.
Magpapakalat ng mga tauhan ng pulisya sa lugar upang maiwasan ang mga bisita na gamitin ang makipot na daanan para sa pagpasok at paglabas.
Ang nasabing shortcut naman ay pinagkakakitaan ng ilang indibidwal doon kung saan naniningil ang mga ito sa mga daraan.
Sa mga normal na araw, ang bayad sa paggamit ng shortcut ay P1 ngunit nagbabago ang mga rate sa panahon ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ang mga taong bumibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ay papayagang makapasok sa sementeryo mula 5 a.m. hanggang 5 p.m. mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2, 2023. Magsasara ang mga gate sa ganap na 7 p.m. RNT