MANILA, Philippines – Nilamon ng mala-impyernong apoy ang Manila Central Post Office noong Linggo ng gabi.
Itinaas din ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang general alarm o ang pinakamataas na antas ng alarma sa sunog. Ibig sabihin ay lahat ng firetrucks sa syudad at kalapit na lugar ay dapat rumesponde rito.
Base sa paunang imbestigasyon na sinabi ng mga stay-in staff na nagising na lang sila sa makapal na usok.
Umabot sa first alarm ang sunog alas-11:41 ng gabi. noong Linggo, ayon sa inisyal na ulat ng BFP National Capital Region. Umabot ito sa Task Force Delta alas-5:25 ng umaga ngayong Lunes.
Sinabi naman ni Mark Laurente, chief of staff ng postmaster general, nagsimula ang sunog sa south side ng basement kung saan matatagpuan ang maintenance room at storage room para sa Mega Manila Office. RNT