Home NATIONWIDE Manila Water nakakuha ng 100% score sa wastewater quality compliance

Manila Water nakakuha ng 100% score sa wastewater quality compliance

MANILA, Philippines – Nananatiling 100% compliant ang East Zone concessionaire Manila Water sa pamantayan na itinakda ng pamahalaan para sa effluent o wastewater treatment.

Para sa buwan ng Abril, nakakuha ang Manila Water ng 100% score para sa wastewater effluent quality compliance scorecard nito, kumpara sa target lamang na 95.00%.

Ang score ay batay sa scorecard na itinakda ng MWSS Regulatory Office na may kaugnayan sa applicable General Effluent Standards na itinakda sa pag-isyu ng Wastewater Discharge Permits sa treatment facilities ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (EMB-DENR) o Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Sa ilalim ng Updated General Effluent Standards ng DENR, ang wastewater treatment plants ay dapat na mag-produce ng “Class C” effluent.

Bilang bahagi naman ng sustainability agenda at regulatory compliance, minamadali na rin ng Manila Water ang paglikha nito ng mga bagong istruktura at pag-upgrade sa wastewater facilities nito. RNT/JGC