Home HOME BANNER STORY Manilaw-nilaw na tubig ng Maynilad tatalupan ng MWSS

Manilaw-nilaw na tubig ng Maynilad tatalupan ng MWSS

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga reklamo ng manilaw-nilaw na tubig mula sa Maynilad Water Services Inc.

Sa isang pahayag, sinabi ng MWSS Regulatory Office (MWSS-RO) na sinusubaybayan nito ang pagdagsa ng mga reklamo ng customer sa social media hinggil sa napaulat na “poor aesthetic” na kalidad ng tubig na ibinibigay ng water concessionaire.

Dahil dito, sinabi ng ahensya na kasalukuyang iniimbestigahan ang isyu at nakikipag-ugnayan sa Maynilad para matukoy ang ugat ng iregularidad at maipatupad ang anumang kinakailangang corrective actions.

Kinumpirma rin ng tagapagsalita ng Maynilad na si Jennifer Rufo na ang water distribution utility ay nakatanggap ng mga ulat mula sa mga consumer nito ng madilaw na supply ng tubig sa ilang bahagi ng concession area ng kumpanya.

“This is due to higher manganese in the raw water passing through the low-level outlet of Angat Dam,” paliwanag ni Rufo.

“We have already adjusted chemical dosages in our treatment plants to address the yellowish discoloration in the water supply. Our field teams have also been doing local flushing activities in the network. The discoloration will gradually ease over the next few hours,” dagdag pa niya.

Sinabi ng opisyal ng Maynilad na ang supply ng tubig nito ay nasa loob pa rin ng mga parameter na itinakda ng Philippine National Standards for Drinking Water, “except for the discoloration.”

Samantala, pinayuhan ng MWSS-RO ang mga customer ng Maynilad, na nakararanas ng pagkawala ng kulay ng tubig, na hayaan ang tubig na dumaloy hanggang sa maging malinaw.

Ang Maynilad ang water concessionaire para sa West Zone ng Greater Manila Area. Ang nasasakupan nito ay binubuo ng mga lungsod ng Maynila (ilang bahagi), Quezon City (ilang bahagi), Makati (kanluran ng South Super Highway), Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon lahat sa Metro Manila ; ang mga lungsod ng Cavite, Bacoor at Imus, at ang mga bayan ng Kawit, Noveleta at Rosario. Santi Celario

Previous articleBilang ng Pinoy na naniniwalang nasa tamang direksyon ang Pinas, bumaba
Next articleP23M droga nasabat sa Bacoor; 4 arestado