Home ENTERTAINMENT Manilyn, sinopla si Liza!

Manilyn, sinopla si Liza!

468
0

Manila, Philippines- Star of the New Decade.

Ito ang titulong iginawad kay Manilyn Reynes sa kasagsagan ng kanyang career noong dekada nobenta.

Pumatok ang tambalan nila ni Aljon Jimenez who would later become her husband.

Nagsilbing tuntungan ni Manilyn on her road to fame ang youth-oriented program na That’s Entertainment ni German Moreno.

As a group, kabilang si Manilyn sa Triplets along with Sheryl Cruz and Tina Paner.

Eventually, kumawala rin si Manilyn sa loveteam partikular ng sa kanila ni Janno Gibbs who later married Bing Loyzaga.

It would be fair to say that the diminutive singer-actress from Cebu was able to strike it on her own.

Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, naging paksa ang tungkol sa mga loveteams referencing Liza Soberano’s statement.

Ayon kasi sa former Star Magic artist, dito raw sa bansa, ang paraan sa pagsikat ng mga artista ay kailangang magkaroon ng loveteam.

Back when she still had a career going for her here, ang kilalang naka-loveteam ni Liza ay si Enrique Gil na nobyo niya sa kasalukuyan.

Naihinga ni Manilyn ang kanyang opinyon ukol sa pahayag ni Liza.

“I diasgree. Sometime, somewhere, somehow, kailangan mo ng loveteam lalo’t you’re growing up,” tahasang sabi ng aktres who had a loveteam herself.

“Pero eventuaĺly, you have to be on your own. Hindi mo na kailangan ng loveteam,” dagdag pa niya.

Ang bottomline daw dito’y pagkakaroon ng talent, “Show them what you’ve got.”

Mismong ang dating manager ni Liza na si Ogie Diaz ay hindi sang-ayon sa tinuran ng aktres.

Ironic pa ngang masasabi ang anti-loveteam stand ni Liza gayong matatandaang pinalagan niya ang planong itambal siya sa ibang aktor, sa takot na baka raw hindi ‘yon tanggapin ng mga LizQuen fans.

Mahirap ding unawain ang pananaw ni Liza tungkol sa mga loveteams gayong dapat pa nga’y ipinagpasalamat niya ang dahilan kung bakit siya sumikat dito. Ronnie Carrasco III

Previous articlePope sa Italian cardinal: Peace mission sa Ukraine pangunahan
Next articleGlobal network na tutukoy sa infectious disease threat binuo ng WHO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here