Home ENTERTAINMENT Mansion ni Daniel, binebenta!

Mansion ni Daniel, binebenta!

Manila, Philippines – Sunud-sunod ang balitang pagbebenta ni Daniel Padilla ng kanyang mga naipundar.

First on the list ay ang Chevolet Corvette sports car ng aktor which was priced at P6.5M.

Naunang inialok ito kay Boss Toyo pero hindi pumayag ang nag-ahente ng sasakyan sa presyo nito.

Sa ngayon, mansyon naman ni Daniel ang up for sale.

Sa kabila ng pagkakaroon nito ng sentimental value ay tuloy pa rin ang pagbebenta.

Ang property na ‘yon ni Daniel sa Quezon City ang kauna-unahang pag-aari na naipundar niya.

Bale regalo din niya ito sa kanyang inang si Karla Estrada.

Doon din naninirahan ngayon ang aktor at ang kanyang pamilya.

If so, why sell it?

Ayon kay Ogie Diaz, gusto raw manirahan ni Karla sa bandang south, o opposite ng kung saan sila nakatira.

Pero ang sphere of action ay nasa Quezon City bilang lokasyon ng mga major networks except for TV5 na nasa Mandaluyong City.

Anyway, noon pa palang December up for sale ang QC house na ‘yon sa halagang P50M.

According to the description, it’s sitting on a 500-square meter lot.

May dalawang palapag ito, anim na bedroom at anim ding bathroom.

Kasya sa garahe ang lima hanggang anim na sasakyan.

Any takers? Ronnie Carrasco III

Previous articlePatay sa landslide sa Davao de Oro umakyat sa 10
Next articleGloc-9, nagkwento sa pinagmulan ng Sirena!