Home ENTERTAINMENT Mansyon ni Willie sa Tagaytay naibenta ng P3B

Mansyon ni Willie sa Tagaytay naibenta ng P3B

Manila, Philippines- Malayo pala sa katotohanan ang balitang kumakalat na nakakaranas ng matinding financial setback si Willie Revillame.

Bukod sa muling pagkabuhay ng kanyang programang Wowowin sa GMA by April, ang latest tsika’y he became P3 billion richer!
Ito’y dahil sa napagbentahan ng kanyang tropical residence sa Barangay Iruhin West sa Tagaytay City.

Mag-asawa ang nakabili raw niyon na nirentahan muna ito noong kasagsagan ng pandemya.

It’s the same couple who owns a resort in Boracay.

Hindi nga raw akalain ni Willie ang ikinowt niyang “presyong ayaw” sa mag-asawang tila “galit sa pera.”

Sa isip-isip na lang ni Willie, he didn’t need that Tagaytay property that much.

Mas malimit daw kasi siyang maglagi sa isa pa niyang bahay sa Puerto Galera.

And to get to Tagaytay ay kailangan pa niyang gamitin ang kanyang chopper.

Bukod daw sa tropical house sa Tagaytay, naipagbili na rin daw ni Willie ang kanyang helicopter but to a different buyer.

All told, kakailanganin nga ng malaking halaga ni Willie to fund his senatorial candidacy.

Samantala, the reason why nag-bog down ang naunang pakikipag-usap niya sa PTV4 at IBC 13 ay dahil sa komisyon na umano’y pinagtatalunan nilang makukuha sa muling pag-ere ng Wowowin.

Pagdating daw kasi sa usaping pera’y doon nate-turn off si Willie lalo sa umpisa pa lang ng negosasyon. Ronnie Carrasco III

Previous article#JusticeForKillua ipinanawagan ng netizens
Next articleMekanismo para mapakinggan ang mga guro pinatatatag sa DepEd