Home HOME BANNER STORY Mapayapang South China Sea malabo pa rin – PBBM

Mapayapang South China Sea malabo pa rin – PBBM

443
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba pang mga lider ng ASEAN na ang pangarap na gawing isang lugar ng kapayapaan at katatagan ang South China Sea ay “isang reyalidad na malayo pang mangyari” sa gitna ng hindi nareresolba na mga alitan sa teritoryo.

“Our vision for the South China Sea, is a sea of peace, stability, and prosperity. Today, sadly, this remains a distant reality,” anang Pangulo sa 43rd ASEAN Summit Retreat Session sa Indonesia.

Binatikos din ni Marcos ang “nakaliligaw na mga salaysay” na ang mga tensyon sa pinagtatalunang karagatan ay tungkol lamang sa kompetisyon “sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa.”

Noong Hulyo, inangkin ng China na ang gobyerno ng US ang “mastermind” sa likod ng mga isyu sa South China Sea—isang alegasyon na pinabulaanan ng huli.

Inulit ng Pangulo ng Pilipinas ang paninindigan ng kanyang administrasyon tungkol sa pagpapalakas ng kooperasyon nito sa lahat ng bansa, gayundin ang pagsusulong ng mapayapang pagresolba sa anumang tunggalian sa pinag-aagawang daluyan ng tubig.

“Patuloy nating itaguyod, at ipatutupad ang kalayaan sa paglalayag at pag-overflight sa South China Sea, alinsunod sa internasyonal na batas, kasama na siyempre, ang 1982 UNCLOS,” ani Marcos.

“Let me be clear, hindi tayo naghahanap ng conflict. Ngunit tungkulin natin bilang mga mamamayan at bilang mga pinuno, na laging bumangon at harapin ang anumang hamon sa ating soberanya, sa ating mga karapatan sa soberanya, at sa ating maritime jurisdiction sa South China Sea. Walang ibang bansa ang aasahan. No country would do any less,” dagdag niya.

Humingi si Marcos ng suporta sa kanyang mga counterpart sa pagpapatupad ng “mga praktikal na hakbang,” kabilang ang ADMM Guidelines for Maritime Interaction, na nagta-target na isulong ang tiwala sa isa’t isa sa mga hamon sa depensa at seguridad.

“Kailangan nating gamitin ang arkitektura ng rehiyong ASEAN upang magsilbing tulay na diplomatikong nangangako ng pag-unawa sa isa’t isa, estratehikong pagtitiwala, at mapayapang pag-aayos ng mga hindi pagkakaunawaan,” aniya.

“The challenge for us remains: that we must never allow the international peaceful order to be subjected to the forces of might applied for a hegemonic ambition,” ani Marcos. RNT

Previous articleSIM nairehistro gamit mukha ng unggoy – NBI
Next article65,000 PDLs boboto sa BSKE 2023

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here