Home OPINION MARAMING NAGAGANAP NA HULOG NG LANGIT

MARAMING NAGAGANAP NA HULOG NG LANGIT

198
0

KUNG masdan ninyo nang husto ang mga nagagaap sa ating pamahalaan at bansa, maraming nagaganap na hindi nagaganap noong unang mga panahon.

At masasabing pawang mga “hulog ng langit” ang mga nagaganap sa mga panahong ito.

PARA SA MGA MAGSASAKA

Nitong nagdaang mga araw, binura ng pamahalaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga obligasyon ng mga magsasaka para sa mga lupang ini-award sa kanila sa ilalim ng magkakaibang programang agraryo.

Matatandaang unang pinairal ni dating Pang. Apo Ferdie Marcos ang repormang agraryo at sinundan ito nina dating Pang. Cory Aquino at dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ngunit lahat ng ini-award na lupain ay kinailangang bayaran ng mga benepisyaryo.

Ngayon naman, sa ilalim ng New Agrarian Emancipation Act, binura na ang lahat ng pagkakautang ng mga magsasaka na principal, interes at iba pa at makikinabang dito ang nasa 610,000 magsasaka sa buong bansa.

Nakakahalaga ang bayarin ng P57.5 bilyon at kasama sa mga binura rin ang mahigit P200 milyong nasa ilalim ng voluntary land transfer program.

Nauna rito, mga Bro, napakalaking bagay ang panlilibre sa irigasyon ng nakaraang pamahalaan ni dating Pang. Digong Duterte.

Dati-rati, nag-aaway ang National Irrigation Administration at mga magsasaka dahil kahit tag-ulan, naniningil ang NIA kahit wala itong isinusuplay na tubig.

Dapat isama rin sa usapin ang pagkakaroon na ng libreng kolehiyo para sa lahat ng Pilipino sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo sa panahon din ni Pang. Digong.

Dati-rati, isinasanla o ibinebenta ng mga magsasaka mismo ang kanilang mga sinasaka mapag-aral lang ang kanilang mga anak.

At kapag may nagkasakit sa kanila, naririyan ang Malasakit Center na itinayo mula sa batas na inakda ni Senador Bong Go na nagtitiyak ng zero balance sa ospital

Kapag pinagsama mo ang libreng tubig sa irigasyon, binurang pagkakautang ng mga magsasaka at libreng kolehiyo at zero balance sa ospital, talagang hulog ‘yan ng langit.

MAGSASAKANG MAGSASAKO

Ang totoo, masasabing napakarami sa mga magsasaka ang magsasako na lang matapos ang anihan dahil sako na lang ang naiiwang remembrance nila.

Ito’y dahil sa rami ng kanilang mga utang para pambili ng binhi, abono, pesticide, pang-aararo, pagtatanim, pag-aani at kahit pa sa pagbebenta o pagdeliber ng mga palay bilang pambayad sa utang.

Lalo kung nasiraan sila ng mga pananim dahil sa mga bagyo at baha at halos o wala silang maaani at kailangan muli silang mangutang para sa susunod na pagsasaka.

Kaya tama ang sinasabi ni Pang. Bongbong na dapat alalayan ang mga magsasaka sa lahat ng kanilang pangangailangan.

At kung magiging produktibo ang milyong ektarya na sakop ng 610,000 magsasaka, kasama ang iba pang naunang mahigit na tatlong milyong agrarian beneficiaries, aba, makatitiyak tayo ng sapat na suplay ng bigas.

Kapag mapalawak nang husto ang sistema sa pagsasaka at magkaroon ng mga dobleng ani kumpara sa karaniwang nagaganap, saan ka pa?

Previous articleFDI net inflows noong Abril, pumalo sa $876M – BSP
Next articleSingil sa kuryente, bababa ngayong buwan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here